Minamahal kong mga kababayan,
Welcome po dito sa website.
Sa pamamagitan ng website na ito, nais namin ni
Fr. Gabriel Baldostamon, C.P. at ako na iparating sa inyo
(lalo na kayong nasa ibang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan sa ngayon dahil sa kakulangan ng mga
Filipinong pari dito sa Sweden) na mayroon dalawang
Filipinong Pari sa ngayon na nagtatrabaho
sa ilalim ng Stockholm Catholic Diocese upang
ma-alagaan ang mga Spiritual na mga
panganga-ilangan ng mga Filipino dito sa Sweden.
Hangad din namin na marating kayo kahit man lang sa pamamagitan ng pahinang ito. Inaasahan din namin na sa pamamagitan nito ay magkakaroon tayong mga Filipino dito
sa Sweden ng komunikasyon at mabuo unti unti ang isang
pagkaka-isa at sambayanan na nahahango sa
ating pananampalataya bilang mga kristiyano.
Sa kasalukuyan, may parokya na na binigay ng ating
Mahal na Obispo, Anders Arborelius, OCD, para sa mga
Filipinong Pari, at ito’y nagsisilbing sentro ng Fil-Misyon
dito sa Diocese. Ang Parokyang ito ay matatagpuan sa Teatergatan 1, 582 18 Linköping.
Welcome na welcome po kayong bumisita dito.
Inaasahang may darating pang isang Filipinong pari upang tumulong sa mga gawain ng Fil-Misyon dito sa Sweden
ayon sa inaasahan ng Diocese.
Mabuhay po tayong lahat!
Pagpalain kayo ng ating Panginoong Diyos!